Mga igsoon! Good morning. Kumusta ang puso mo ngayon? ‘Yan ba ay puno ng poot, pag-aalala, pagsisisi, pagmamataas, pagpapakumbaba, kagalakan, o pagmamahal? Eh paano kung wala diyan, baka pusong bato ‘yan?
Ang ebanghelyo para bukas ay tungkol sa talinghaga ng manghahasik. Ang Diyos ang Manghahasik, ang salita ng Diyos ang binhing inihasik, at ang lupa kung saan ihahasik ang binhi ay ang ating puso. Kaya ang talinghagang ito ay nakatuon sa kondisyon ng ating puso at kung paano natin tinatanggap ang Salita ng Diyos.
Our hearts are not stuck in just one feeling. There are situations, events, or incidents that affect how we feel. But one of the most powerful things that affects us is words.
May mga pagkakataon na hindi na tayo conscious o careful sa mga salitang ating binibitawan. Minsan di na natin namalayan na may naapektuhan na pala. At minsan may mga pagkakataon ding dinidibdib natin ang mga masasakit na salitang ating natatanggap.
“Words have power that can strike your heart.” But the most effective and impactful words that can truly change your life are the Words of God.
To all of us here, after many years—or almost a decade—of listening to God’s words:
- Habang ikaw ay nakaupo sa may credence table,
- Habang ikaw ay nakaupo sa may media booth na nakaharap sa computer upang mag-live stream,
- Habang ikaw ay nakapwesto sa bawat gilid o pintuan ng simbahan upang gumanap bilang usher,
- Habang ikaw ay nakaupo sa mga pew at nakikinig sa mga Banal na Kasulatan at sa homilya ng pari,
- O habang ikaw ay nakaupo upang pakinggan ang nagsasalita sa iyong harapan ngayon…
Isinasapuso mo ba ang kahulugan ng mga mensaheng iyong naririnig? O baka naman, sarado ang iyong mga tainga, na sana’y pintuan upang papasukin ang Salita ng Diyos?
Isa sa mga nakakalungkot isipin, lalo na sa mga kabataan ngayon na kagaya natin, ay may mga pagkakataong binabalewala na lamang ang salita ng Diyos at hindi na ito binibigyang-halaga. Lalo na sa ganitong pangyayari, minsan mas ginugugol pa natin ang ating panahon sa iba’t ibang bagay kaysa sa ilang minutong nakalaan upang pakinggan ang repleksyon ng ating kapatid. Siguro dahil sa naiisip natin: “Ayaw kong malamangan,” o “Ayaw ko sa kanya, kaya ayaw ko siyang pakinggan.”
Although sharing a reflection is a practice to become a future preacher of God’s word, it is something that is first seen in seminary formation.
Seminary life is strengthened through brotherhood. This brotherhood is built by helping each other—especially by appreciating others’ talents, skills, and achievements, as well as recognizing their value as Christians like you.
This kind of spiritual discipline and good attitude is the fruit of what is inside our heart. Our heart is the vessel of God’s grace—especially His Words. That’s why we need to take care of it. To receive God’s grace, we must listen attentively, understand it, and embrace it. Once we understand it, we must put it into action. In doing so, it leads us to become good and compassionate people—in short, to be holy. But to reach that kind of person, it requires a heart like good soil.
But the question is: “Is my heart like good soil? / Ang puso ko ba ay isang matabang lupa?”
Mga igsoon, isa sa ating mga pangarap sa buhay ay ang maging mabunga—’yung bunga na maibabahagi rin natin sa iba. Ang pagbabahagi ay isang makabuluhang bagay sa buhay ng isang Kristiyano. That is how God actually wants us to live.
Brothers, “let us make our lives meaningful through our fruitful hearts. Manigas man ang puso, handa pa rin ang Diyos na baguhin ito. Just focus on the meaning of His words—reflect and meditate.”
Laging may kapangyarihang mag-pabago ang Salita ng Diyos, ang hamon ay nasa atin: nakahanda ba ang puso natin para ito’y palaguin?
Tonight, not tomorrow, tonight is the perfect time to check our soil—suriin natin ang ating mga puso. Let us remove all the hardness, the distractions, and the pride that stop God’s grace from growing. Piliin nating makinig nang may pagpapakumbaba. Let us understand with clarity, and to live out His truth with courage.
Nawa’y ang maging tugon natin sa Manghahasik ay isang buhay ng aktibong pananampalataya, tapat na pakikipagkapatiran, at patuloy na pagpapakabanal.
“Pusong bukas sa biyaya, pusong tapat sa kapwa, pusong matabang lupa.”
Daghang salamat, at pagpalain tayong lahat sa Ginoo! Amen!
Reflection by: Sem. Neilric Sabay-sabay
By Gerick Tolentino
𝗔 𝗳𝗶𝗿𝘀𝘁-𝘆𝗲𝗮𝗿 𝗔𝗕 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗼𝘀𝗼𝗽𝗵𝘆 𝘀𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁 and aspirant of the 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗲𝘁𝘆 𝗼𝗳 𝗦𝗮𝗶𝗻𝘁 𝗣𝗮𝘂𝗹. Writing under the pen name "𝗚𝗲 𝗣𝗶𝗹𝗮𝗽𝗶𝗹" on 𝙈𝙚𝙙𝙞𝙪𝙢, he is a storyteller, dreamer, and a listener.
