St Paul Seminary Foundation
  • (046) 414 2281

Saint Paul Road, Lalaan 1st, Silang, Cavite, Philippines

The Cost of Following Christ: Reflection on Matthew 10:34, 11:1

Reflection by: Sem. James Roy Roa

Sabi nila, hindi raw nasusukat ang pagmamahal kapag madali ang lahat. Nasusukat daw ito kapag may kailangan ka nang isuko.

Napaisip ako roon, kasi totoo naman. Madaling sabihin na mahal mo ang isang tao kapag wala namang hinihinging kapalit. Madaling maging faithful kapag walang nawawala sa’yo. Madaling magsabi ng, “Lord, I trust You,” kapag maayos ang lahat.

Pero paano kapag may kailangan ka nang bitawan? Paano kapag may pangarap kang kailangang isuko? Paano kapag may desisyon kang alam mong tama, pero alam mo ring may masasaktan?

Doon pala nasusukat kung gaano kalalim ang pagmamahal.

Habang iniisip ko iyon, parang na-realize ko na hindi lang pala ito totoo sa mga relasyon. Totoo rin pala ito sa relasyon natin kay Cristo. Kasi minsan ang tanong ay hindi, â€śMahal mo ba si Lord?” Ang mas mahirap na tanong ay, â€śMahal mo ba Siya kahit may kapalit?”

At siguro, doon ko nagsimulang maintindihan ang Gospel natin para bukas.

Noong una ko itong binasa, honestly, parang nagulat ako. Kasi ang sabi ni Jesus, â€śI have come not to bring peace, but the sword.”

Parang napatanong ako, â€śLord… hindi ba Ikaw ang Prince of Peace? Bakit sword?”

Habang paulit-ulit ko siyang binabasa, unti-unti kong na-realize na hindi espada ang gustong dalhin ni Jesus. Ang dinadala Niya ay katotohanan. At ang katotohanan, hindi laging komportable.

Minsan naghahati ito. Hindi dahil gusto nitong sirain ang relasyon, kundi dahil may mga pagkakataon na ang pagsunod sa tama ay hindi maiintindihan ng lahat.

At kung iisipin, ilang beses na ba tayong nanahimik, hindi dahil wala tayong paninindigan, kundi dahil natatakot tayong hindi maintindihan? Ilang beses na ba nating pinili ang mas madali, kahit alam nating hindi iyon ang tama?

I think that’s one of the deepest desires of every human being. We all want to belong. We all want to be accepted. We all want to be understood.

At walang masama roon. Natural iyon. Pero minsan, kapag mas mahalaga na sa atin ang approval ng tao kaysa sa tawag ng Diyos, unti-unti nang nawawala ang direksiyon ng puso natin.

Kaya sinabi ni Jesus, â€śWhoever loves father or mother more than me is not worthy of me.”

Sa totoo lang, mabigat iyong pakinggan. Pero habang pinagdarasal ko ito, na-realize ko na hindi naman sinasabi ni Jesus na huwag nating mahalin ang pamilya natin. Hindi Niya sinasabing huwag nating mahalin ang mga taong mahalaga sa atin.

Ang tanong Niya ay mas malalim. Kapag dumating ang panahon na kailangan mong mamili, sino ang mauuna sa puso mo?

Because whatever comes first in our hearts will eventually shape every decision we make.

Minsan hindi naman pamilya ang nauuna. Minsan comfort. Minsan success. Minsan pride. Minsan takot. At minsan, sarili natin.

May isa pang sinabi si Jesus na talagang tumatak sa akin:

“Whoever does not take up his cross and follow me is not worthy of me.”

Napansin ko, hindi Niya sinabi, â€śUnderstand your cross.” Hindi rin Niya sinabi, â€śLike your cross.”

Ang sabi Niya ay, â€śTake up your cross.”

Parang sinasabi Niya:

“Hindi ko ipinapangakong magiging madali. Hindi ko ipinapangakong maiintindihan ka ng lahat. Hindi ko ipinapangakong wala kang isusuko. Pero ipinapangako Kong sasamahan kita.”

At siguro, iyon ang madalas nating nakakalimutan.

We always ask God to remove the cross. Pero bihira nating hilingin na bigyan Niya tayo ng lakas para buhatin ito.

At baka, iyon ang tunay na discipleship.

Not living a life without sacrifice, but choosing Christ even when sacrifice becomes part of the journey.

At siguro, ganoon din ang buhay.

Kapag dumating ang malakas na hangin, hindi nito binabago ang puno. Inilalantad lang nito kung gaano kalalim ang ugat nito.

Baka ganoon din ang pagsunod kay Cristo.

Hindi sinusukat ng sakripisyo ang lalim ng ating pagmamahal. Inilalantad lang nito kung saan nakaugat ang ating puso, at kung kanino talaga ito patuloy na yumuyuko.

By Rhexelle Andrei Abdon

Rhexelle Andrei Abdon is a third-year AB Philosophy student at Saint Paul Seminary Foundation, discerning his vocation with the Society of St. Paul.